Ang matagal na paghihintay ay tapos na, nagsimula na ang bagong kabanata ng buhay ko. Salamat sa Diyos at naging napakaespesyal ng naganap kong birthday, hindi man niya pinahintulutan mangyari yung mga plano ko sinigurado naman niya na magiging especial ang lahat. Simula kasi umaga hanggang gabi punong-puno nang tawanan at ultimate bonding experiences sa loob at labas nang bahay. Grabe da'best talaga! :D
Sa totoo lang kahit ilang araw na ang lumipas hindi ko pa rin naabsorb masyado na 21 na ako. Kaya nga ngayon pa lang ako nakagawa ng post, pero alam ko maraming bagay na ang nagsimulang magbago sa akin physically, emotionally, mentally at higit sa lahat spiritually. Masasanay na lang ako sa mga pagbabago sa paglipas ng mga araw.
Takot at saya ang nararamdaman ko ngayon. Alam naman natin na lahat ng bagay nakakatakot sa umpisa di'ba? pero kapag naiisip ko na ako na ang in-charge sa buhay ko ngayon at lahat ng gagawin ko ang siyang makapagsasabi kung anong bukas ang naghihintay sa akin, excitement at saya ang mas nangingibabaw. Isang beses lang ako mabubuhay at magkakaroon ng ganitong pagkakataon ba't ko sasayangin di'ba?
Simula na ng mahabang paglalakbay ko bilang 21, expect the unexpected, because there's no such thing as impossible in God's vocabulary.
Sunrise during my 21st birthday :) (captured by me) |
No comments:
Post a Comment