Monica ang totoo niyang pangalan. Nanggaling sa pangalan na "Mongskie" (palayaw sa kanya ng isang kaibigan) ang "Moninskie" (Mo-nin-ski), mas magandang version. Isang Bicolana. Akala mo tahimik pero napakakulit pala. Simple pero rock. :p
First love niya ang pagkain. Sa dami ng mga taong nagugutom sa mundo dapat daw ipagpasalamat kay God bawat pagkain na nakahain sa mesa. Paboritong parte ng araw niya?, meal time kasama ang pamilya o mga kaibigan.
Chocolate-lover. Sino ang tatanggi sa chocolate di'ba?
Mahal niya ang berde. Dahil madalas siya at mga pinsan niyang tumambay sa mala-gubat na lupain ng Lola niya naging nature lover siya at madalas maalala ang masayang kabataan niya kapag napapaligiran siya ng kulay na ito.
Mahilig kumuha ng mga litrato. Mahina siya sa pag-alala ng mga especial events (lalo na kapag 2 years ago na) dapat mo pang ulitin bawat detalye para maalala niya. Hindi naman niya sinasadya yun talagang mahina lang siguro ang kanyang memorya, salamat at may mga camera phones madali na lang alalahanin ang nakalipas. Kasalukuyan pa niyang pinag-iipunan ang DSLR camera. ^_^
![]() |
photo credit to AsLuckWouldHaveIt |
Pangarap niyang magkroon ng collection na four-leaf clover. Bukod sa kulay berde rin ito na paborito ng mata niya, nagbibigay daw ito ng swerte sa taong makakakita nito nang hindi inaasahan. May ibig sabihin ang bawat dahon nito: ang una para sa faith, ang pangalawa ay sa hope, ang pangatlo ay sa love, at ang huli ay para sa luck. Bago ako mamatay lahat lang naman ng collection ko ay mapupunta sa mga taong naging parte ng buhay ko. Isang token of love na maiiwan sa kanila para kahit malayo na ako malapit pa rin. :)
Hilig niya ang magbasa. Mas kuntento siya sa pagbabasa ng libro kaysa magkaroon ng apple ipad o latest model ng cellphone. Tumatanggap siya ng regalo kahit walang okasyon basta libro ang ibibigay mo. ^_^
Masaya siya kapag nagsusulat. Bata pa lang mahilig na siyang magsulat ng kung ano-anung bagay, pwedeng maikling kwento, saloobin, obserbasyon, atbp. Bukod sa masaya siyang ginagawa ito, malaking tulong sa kanya kapag masama ang loob niya, hindi kailangang kimkimin nandyan lang lagi ang journal (not keeping grudges). Lately lang siya nagkalakas ng loob na magsulat sa blog niya, naisip niya na it's now or never. Mahirap magkaroon ng pagsisisihan pagdating ng araw.
Pangarap niya maging acoustic singer. Nabiyayaan din siya ng magandang boses. Ayun nga lang hindi niya kayang bumirit, pero tanggap niya niya dahil nakatadhana siya para maging isang acoustic singer. Malapit na siyang matuto mag-gitara (yehey!) :)
She's now walking on bare foot. Tapos na ang mahabang pagtulog at maraming taon na rin ang kanyang nasayang, ngayong alam na niya ang misyon niya wala nang makakapigil pa sa kanya. Tanging pag-ibig lang daw ang makakaksalba sa buong mundo, kaya halika na samahan natin siya. Let's heal the world.
![]() |
Bro. Bo Sanchez |
Lubos ang pasasalamat niya kay Bro. Bo. Siya ang ginamit na instrumento ng Panginoon para ipaalam ang misyon niya. Ang pagtatagpo nila ang unang highlight ng taong ito (2012). Masayang-masaya siya sa isang malaking blessing mula sa langit sa katauhan ni Bro. Bo Sanchez. Gusto mo rin bang malaman ang misyon mo sa mundo? bisitahin mo na ang website niya! Bo Sanchez's Website
And most of all
I love God. I believe in Him. I trust Him.
I love God. I believe in Him. I trust Him.
"Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ko sa'yo,
salamat sa pagbisita.
God bless you!"
~Moninskie~