Wednesday, August 15, 2012

~ Reaching 100 ~

Wow, a hundred pageviews! Natutuwa ako dahil sa loob ng apat na buwan may 100 pageviews na ang 'mga kwento ni Moninskie'. Hindi ko inaasahan ito kaya sobra akong nagagalak, alam ko na hindi kasama sa bilang yung mga pagbukas ko ng blog ko at talagang ibang tao ang mga bumibisita dito. Ang akala ko nga mga isang taon bago maging 100 ang makikita ko kapag binibisita ko itong blog na'to.

Sa lahat ng taga-subaybay o pawang naliligaw lang sa blog ko maraming salamat. Maraming salamat sa pagpapasaya sa akin at asahan niyo maraming kwento pa akong ibabahagi sa inyo sa mga darating na araw. May naitulong sana ako sa buhay niyo kahit sa pamamagitan lang ng mga kwento ko. God bless you all.

Tuesday, July 31, 2012

~ Until we meet again ~

Ngayong araw ihahatid sa huling hantungan ang lola ko. Wala man ang pisikal na katawan ko sa libing niya nandoon naman ang puso, isip at kaluluwa ko para saksihan yun. Alam ko na maiintindihan niya ang sitwasyon ko kung nandito siya at sasabihin niya na OK lang kahit hindi ako makapunta dahil alam naman niya kung gaano ko kagustong pumunta pero I have to choice my job needs me at walang papalit sa maiiwan kong pwesto (unless my boss is kind enough to close his store for me), kung sana malapit lang ang Pitogo, Quezon dito kaya kong sumaglit pero oras ang bibilangin para makapunta doon. Masakit sa puso na isiping ako lang ang wala sa libing niya pero mabuti na nga rin siguro yun dahil baka hindi rin kayanin ng puso ko ang matinding emosyon kung makikita ko siyang umalis sa buhay ko at sa buhay naming lahat.

Hindi lang ako nawawalan ng isang lola sa pag-alis niya dahil tinuturing ko na rin siyang ina. Simula nung tumira siya sa bahay namin pinunan niya ang mga pagkukulang ni mama and that empty space in my heart just fade away. All I have is an overflowing lovetank, dahil yun sa wagas niyang pagmamahal sa akin na hinding-hindi ko makakalimutan habang nabubuhay pa ako dito sa mundo. Marami siyang tinuro sa akin physically, emotionally and spiritually na nagpabago sa pagkatao ko kaya masasabi ko na hindi ako ganito ngayon kung wala siya. Napakapriceless ng mga ultimate bonding experiences (U.B.E) namin na ngayon ay maging isang magandang alaala na lamang.

Sobrang lungkot ang nararamdaman ko ngayon dahil alam ko na kailangan ko nang harapin ang bawat umaga na wala siya sa buhay ko. Pero nangingibabaw sa puso ko ang kasiyahan dahil alam ko nasaan man siya ngayon masayang-masaya siya, finally she's home with God, at kasama na rin siya si lolo ang one true romance niya. Magkikita pa rin naman kami pero matatagalan nga lang but at least we'll meet again di'ba? at sa pagkikita namin ulit sisiguraduhin ko na mahaba-habang kwentuhan ang mangyayari at walang katapusan na tawanan na naman yun. Kaya nga simula ngayon nag-iipon na ako ng mga adventures na ikukuwento ko sa kanya pati mga jokes at pick-up lines, for sure marami-rami akong maiipon niyan in my lifetime. Until we meet again 'La, I love you until my lifetime ends :)

Thursday, June 21, 2012

~ God Whispers ~


to get in touch with Him Click here

Anong mararamdaman mo kung twice a week bubulong si God sa'yo para lang sabihin na mahal ka niya sa pamamagitan ng mga salitang ganyan na very uplifting sa spirit? I know. It's a priceless feeling. :)

Wednesday, June 13, 2012

~ Divine Presence ~

Ito yung image dun sa wall decor.

Kung dati rati maganda ang simula ng araw ko, kanina ay puno ng luha ito. Natural sa pamilya ang magkaroon ng problema at mga misunderstandings kaya hindi maiiwasan ang konting away. Hindi kasi maganda sa pakiramdam na pagsalitaan ka ng masamang paratang dala ng mood swings ng isang tao dahil marami siyang hinaharap ng problema bilang isang haligi ng tahanan. Yung tipong may isang mali kang nagawa agad-agad niyang napapansin kaysa dun sa mga bagay na maayos mo nagawa. Mabigat sa dibdib dahil kahit alam mo na hindi naman totoo yung sinabi niya bigla ka na lang mapapaisip na baka nga ganun ka, baka nga sobrang iresponsable mo o wala ka talagang kwenta.

Pumasok ako sa trabaho na maga ang mata at matamlay, mataas kasi ang tingin ko sa taong yun kaya malaki ang epekto sa akin ng bawat salita na binitiwan niya. Wala naman akong ibang pwedeng gawin maliban sa pag-iyak para kumalma pero sisiguraguhin ko na mali lahat ng paratang niya sa akin kaninang umaga. Isa lamang ito sa mga twist ng buhay ko alam ko na maraming-marami pa akong pagdadaanan na mas malala pa dito, sana malampasan ko lahat yun at hindi ako sumuko dahil sa pamamagitan ng mga ganitong sitwasyon lalo akong lumalakas at tumitibay. I know this is one of God's ways of shaping my character and at the same time testing my faith.

Gusto ko lang ikwento yung unusual na nangyari kani-kanina lang kaya nagawa ako ulit ng isa pang post. So, yun nga di'ba malungkot ako and not feeling well kasi nagdadamdam pero pagdating ko sa work may mga bumati sa akin ng good morning na may kasamang matamis na ngiti tapos mga simple pero rock na mga biro. Marami pang mga bagay ang nagsilabasan na nagpangiti sa akin, tapos one of my bestfriend cheered me up at pinalakas yung loob ko kaya after a while OK na yung puso ko talagang kumalma na siya. Tapos ngayong hapon may pumunta na lalaki dito sa work place ko at tinanong ako kung roman catholic daw ako, siyempre ang sabi ko oo, tapos may nilabas siya sa isang nakatupi na dyaryo. Isang imahe ni Jesus na nakadikit sa oblong na tiles at pinapabili niya sa akin for 35 pesos. Sadly, wala akong extra money kaya hindi ko siya nabili pero binili siya nung isa kong ka-trabaho.

I know for you there's nothing unusual there pero sa akin nagdala yun ng sobrang kagalakan. Alam mo kasi nung 21st birthday ko isa sa mga wish ko ay sana madalas ipadama sa akin ni God ang presensya niya, alam ko kasi siya lang maasahan ko when all else fails. God cheered me up and I am so overwhelmed! Alam niya na may pinagdadaanan ako ngayon so gumawa siya ng way para madama ko yung pagmamahal niya sa pamamagitan ng mga taong tumulong sa akin para maibsan yung sakit. May makakatalo pa ba sa pagmamahal niya? Sigurado akong wala na. Siya lang ang makakapagmahal ng walang hanggan at walang kapaguran. :)

Tuesday, June 12, 2012

~ Pa peysbuk nga :) ~

(Hindi po ako ang original na maylikha nito, pagmamay-ari ito ng isang kaibigan. Gusto ko lang ipamahagi ang mga kaalaman na nakapaloob dito na pwedeng makatulong sa bawat indibidual na may Facebook account.)

“PA – PEYSBUK NGA!!!!”. Linya ng estudyante na uubusin ang baon para makapagrent sa isang internet shop. Linya ng isang empleyado pagkadating niya sa opisina at naabutang ginagamit ng katrabaho ang office computer. Linya ng kapitbahay na gustong maki gamit ng internet sa kadahilanang hindi siya nakapagbayad ng bill. At kung sino man ang sinasabihan nila, malamang ang isasagot nito ay.. “teka, log out ko lang..”. Nagpe-facebook din pala. 

Facebook. Ang social networking site na lumamon sa myspace at friendster. Ito rin ang pilit kinakaibigan ng ilan pang aspiring forms of social media. Pansinin mo, yung mga bagong kumakaribal sa Facebook e may feature kung saan magrereflect din sa FB account mo ang kung ano mang post mo, gamit ang site nila. Gaya nalang ng twitter, tumblr at kung ano ano pa. Parang pelikula. Pag pinalabas ito sa sinehan sa guadamall (ang mabagsik na mall sa guadalupe), ipapalabas din ito sa sinehan ng MOA. Nagkakaiba nga lang sa level ng urine aroma at dami ng surot sa upuan. Sa sobrang popularidad nito ay pwede na itong iconsider na necessity. Iba na ngayon. Humans need food, water and facebook. Clothing? Ano ngayon kung nakahubad. At least. nakaporma ka naman sa bago mong profile picture. 

Pwede na ngang iconsider ang kasalukuyan bilang “The Facebook Era”. Ang panahon kung saan tangap na ang mga bading at tomboy (kaya ikaw, wag na magpanggap, ok na daw, di mo na kelangan mag gym kuno), kung saan mas mahal nang mga tao ang aso kesa sa kapwa nila tao (inday!! ibigay mo ung ulam mo kay brownie, mag skyflakes ka nalang!!!), kung saan lahat ay tumatakbo sa mga marathon, kung saan lahat ay may necklace na ang pendant ay isang mamahaling camera, kung saan papalitan na ng cobra at sting ang dumadaloy sa mga tubo ng
NAWASA, kung saan lahat ng statement ay dapat magtapos sa isang uri ng emoticon (uy, tang ina mo, joke. (“,) ). 

Lahat ito ay bahagi na ng social norm. Lahat tangap na. Pero huwag. Uulitin ko. HUWAG NA HUWAG mong sasabihin, lalo na sa isang pampublikong lugar na. “Ay, wala akong Facebook eh..”. Patay ka dyan brad. Kiss of death yun. Baka bigla kang paskilan ng papel sa noo mo na may nakasulat na EEEWWWW!!!. Baka biglang magkaroon ng caste system sa pinas at lahat ng walang FB account ay mga untouchables. Pwede ring i-ekskomunikado ka ng simbahan katoliko at ipapakalat ito sa mga tweet ng arsobispo. Kung stalker ka, di na kelangan ng paliwanag kung bakit adik na adik ka sa FB. Pero para sa masa. Ano bang meron dito? Bukod sa green joke na ibinulong sayo nung tropa mong adik, pwede ka ding magshare ng pictures (aka pix),videos, notes at mga links mula sa iba pang sites. Makikita ito ng mga “friends” mo at pwede silang magkomento dito. Walang limit ang pagpo post. May sense man o wala. 

Healthy nga daw ito sabi nung mga sociologist. Exercising our rights to free speech daw ito. Pero lahat ba e post-worthy? O karamihan ay nagdadala lang ng badtrip. Freedom of speech pala ha. Ito ang post ko tungkol sa mga post ng iba. Guilty
tayo dito. 

1. Iwasan ang pabigla – biglang pagpapalit ng relationship status. Lalo na kung mababaw lang ang dahilan tulad ng late reply sa text o hindi pag iloveyou sayo ang jowa mo kaninang alas tres (sarili nyong 3 o’clock habit). Dahil pag nagka-ayos kayo, at ibinalik
mo sa dati ang status mo, ikaw din ang magmumukhang praning. 

2. Walang masama kung purong tagalog ang shout out mo. Wag matakot na sabihan nang “uy makata”. Kesa naman panay nga ang english, sablay naman ang grammar at hindi kakikitaan ng sense ang sinabi. (iba ang you’re sa your). 

3. Check in. Ang post kung saan sinasabi ang kasalukuyan mong lokasyon. Positibo. Pwedeng maging safety precaution. At least alam nila kung saan ka huling pumunta sakaling di ka mahagilap ng ilang araw. Negatibo. Easy prey ka sa mga serial killers o sa
kaibigan na may galit sayo. (Ingat ka silvestre. hehehe)

4. May “about you” page ang FB. Dun mo isusulat ang mga hilig mo. Di mo na kelangan pang magpost ng magpost ng mga youtube videos nila Ozzy Osbourne, Metallica o Korn para pagdiinan na rakista ka. Ikaw din, baka mahirapan kang panindigan. Lalo na pag tumugtog na ang paborito mong kanta ni Katy Perry. Napaindak at sing along si kumag. 

5. Hindi kelangan magpost ng mga litrato o video nang iniembalsamo o bangkay na durog durog ang katawan at labas ang mga laman loob. Palit kaya kayo nung andun sa picture. Ako naman ang magpopost. 

6. Magtira ng konting privacy para sa sarili. Hindi lahat ng bagay ay dapat ishare. Lalo na sa social media. Sarilinin mo nalang ang gusot sa pamilya o away mag asawa. Pribado na yon. Post ka ng post, tapos mababadtrip ka kung gagawing pulutan sa inuman ang kwento ng buhay mo. 

7. Ok lang ipost ang mga bago mong gamit. Gaya ng mga gadget, damit o accessories. Natural lang maging proud ka lalo na kung pinaghirapan mo o importanteng tao ang nagbigay sayo nito. Di lang siguro tama na sabihing “hay nakakapagod na magshopping,
andami ko kasi pinamili”. 

8. Kung sakaling may nagpost ng malungkot o kaya’y tungkol sa isang masamang pangyayari sa kanila, wag mong i-like. Ano yun? Nagustuhan mo pa na sumemplang siya sa kanal. 

9. Wag mong i-like ang sarili mong post. Kaya nga pinost mo in the first place. Mas malala kung ikaw din ang magcocomment. Parang loner ka naman nun. 

10. Wag kang basta basta magpost ng nakakagagong comment, lalo na sa mga picture kung saan may mga taong di mo kilala. Halimbawa: “Pre, sino yang kasama mo sa pic? si Bella Flores?”. Huli mo na nalaman. Girlfriend pala niya yun. 

11. Kung sakaling may nagpost ng matino at informative na mensahe. Magpasalamat. Huwag mag angas sabay comment nang “ay luma na yan, huli kana sa balita” o kaya “wala, kalokohan lang yan”. Wag kang magmagaling. Matalino kaba na parang si Rizal? E di pabaril ka sa Luneta. 

12. Wag gamitin ang FB para magpakalat ng maling impormasyon at maghatid ng mass hysteria. Pero kung sino man ang napost na aabot dito ang radiation sa japan. Nagpapasalamat sayo ang manufacturer ng Betadine. 

13. Wag sumali at i-like ang isang fan page kung puro kagaguhan lang ang ipopost mo sa wall nito. Halimbawa, nagpamember ka sa page ng isang seksing artista tapos mag cocomment ka lang ng “uy, sarap mo naman, parang mainit na lugaw sa malamig sa madaling araw”. Tapos magtataka, “hala.. bakit ako na banned?”. 

14. Hindi lang ikaw ang may gustong manood ng sine. Wag kang mag post ng mga spoilers na maaaring ikabadtrip ng iba. “just watched Nardong Putik: Ang Pagbabalik Ni Totoy Burak, ganda ng ending, napatay nya ung kontra bida sa pamamagitan ng pagpukpok sa ulo ng isang palayok, pero sad dahil huli na nang malaman nya na tatay niya pala yun..”. 

15. Di naman ata kelangan simulan ang post mo sa salitang “Damn!!” o kaya “Oh gosh” lalo na kung di naman malubha o kagulat gulat ang pangyayari. Halimbawa: “oh gosh, umuulan”. Taga saudi??? 

16. Wag matawa at kantyawan kung corny o masyadong romantiko ang isang post. Tandaan mo, magmamahal ka din. Lintik lang ang walang ganti. Dami kong kilalang ganyan. 

17. Ok lang siguro ipost kung ano at kung saan ka kumakain. Iwasan lang yung pagpopost ng close up pictures nung pagkain mismo. Marami ang nagpapalipas ng gutom sa pamamagitan ng Facebook. Sino ka para inggitin sila. Parang yung feeling na, asa air-con bus ka, pauwi sa bahay at gutom tapos may kumag na kakain ng burger at fries. Langhap mo ang bawat kagat niya. Di maka tao. Dapat palitan ang pangalan niya. Gawing Lucifer. 

18. Ok lang siguro ang mag post sa paraang Jejemon. Trip mo yun e. Wag mo nga lang asahan na seseryosohin ka kahit matino ang gusto mong sabihin. Expect mo rin na lahat ng comment sayo e magtatapos sa “jejejeje”. 

19. Wag magimbita sa isang okasyon gamit ang shout out mo, tapos may ita- tag ka lang na piling tao. Bangag kaba? Makikita ng lahat ng “friends” mo na iilan lang ang gusto mo papuntahin sa nasabing okasyon. 

20. Pwede ba?? HINDI PORKET ALL CAPS E GALIT ANG NAGPOST. BAKA LUMUBOG AT NASTUCK LANG ANG CAPS LOCK. 

21. Sapat naman na siguro ang tatlong exclamation point para ipaalam sa bumabasa na puno ng emosyon ang post mo. Di mo kelangan punuin ng punctuations porket walang bayad ang
extra characters tulad ng sa text messaging. Halimbawa. Pakyu ka!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!. Mali yun. Dapat. Pakyu ka!!! 

22. Iwasang magpost kung ikaw ay (a) lasing, (b) nasa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot o (c) hindi tinirahan ng ulam. Walang gustong makabasa ng pag aamok mo na puno ng
mali maling spelling. Kung sakaling nakakaramdam ng “FB rage”, magpahid ng menthol toothpaste sa mga palad, at itampal tampal sa mukha mo hanggang sa kumalma. 

23. Oo, dapat sulitin ang unlimited surfing na maghapon mong binantayan para lang maregister. Pero di ibig sabihin nun na post lang ng post. Halimbawa, ang ilalagay mo sa shout out mo e tatlong magkakasunond na tuldok. Ano yun? Buti pa quote nalang. Time is gold. 

24. Wag trigger happy sa “share” button. Hindi porket di nagappear sa profile page ang mabangis mong status message e kelangan mong tiktikin ang pagpindot. Antayin mo lang. Mamaya ilang beses na pala napost. Paulit ulit. Wag kang atat. Lalo na kung ang ipopost mo e “Patience is a virtue”. 

25. Wag mong kakumpetensyahin ang youtube sa dami ng video na nakapost sa wall mo. OK lang siguro kung ishare mo ang isang nakakatawang clip kung saan may nag susurfing na pusa o kaya naman e makabuluhang excerpt ng isang documentary. Wag naman yung lahat ng mtv ng kantang marinig mo sa jeep o lahat ng episode ng wow mali. 

26. Wag ipahamak ang sarili. Kung sakaling pwede naman palang acronym ang isang term e wag mo na itong buuhin sa iyong post. Loud out loud!!!!. 

27. Hindi masamang makisali sa mga occasional drives o campaigns. Tulad ng paggamit ng picture ng nanay mo pag mother’s day o pag post ng mensahe tungkol sa cancer bilang status message mo. Hindi porket di ka nakisali e cool o mas sophisticated ka. 

28. Kung may nagcomment o nagpost sa wall mo na di mo kilala ang pangalan pati na ang picture. I-open saglit ang profile. Wag mo agad replyan ng makamandag na “HU U?”. Malay mo, tropa mo pala yun. Binaliktad lang ang pangalan. O kaya naman e dinagdagan ng H. Mhayhumhi Pharhedez. 

29. Kung magcocomment ka, halimbawa sa isang picture, iwasang gumamit ng paghahalintulad sa ibang tao lalo na kung kagaguhan lang ang sasabihin mo. Halimbawa, “baduy ng porma mo pre, parang bisaya lang” o kaya “mukha kang magsasaka”. Tandaan, di ka lamang o nakahihigit sa mga bisaya at magsasaka. Ikaw kaya, magpost ka ng video tungkol sa mga unggoy, tapos may magcomment, “ambobobo naman nila, parang ikaw”. 

30. Wag kang magatubiling bumati sa mga post tungkol sa panganganak ng isang ina, pagpapakasal ng magsing irog o pagkatangap sa trabaho. Sa magulong mundo, hindi ba’t masarap ishare ang mga positibong pangyayari. Code of ethics. Wala. Oo. Walang basagan ng trip. Pero hindi ba mas maganda kung ginagamit mo to sa matinong paraan? 

Pa-Peysbuk nga!!!

Friday, June 8, 2012

~ Facebook Status ~

What's on your mind? Update your status on Facebook!

Kung may Facebook account ka siguradong alam mo ito. Sa rectangle na yan pwede mong sabihin ang kasalukuyang kalagayan mo, saloobin, magagandang ideya, at kung ano-anu pang bagay tungkol sa'yo. At pagkatapos mong i-click ang post button malalaman na ng pamilya, kamag-anak, kaibigan, at kakilala mo kung anong sitwasyon mo ngayon o sinasabing status. Pwede mo silang i-update sa pinakamabilis na paraan at sa ilang segundo lang pwede mo rin malaman ang mga reaksyon nila sa pamamagitan ng comment sa status update mo o bilang ng mga likes nito.

Pero sana maging reponsable tayong lahat sa mga nilalaman ng status natin, kung pwede nga yung may mga kwenta lang at may maitutulong sa lahat ng makakabasa nito. I know it's a free country pero hindi naman siguro tama na magmura at i-share pa yun sa mga kamag-anak o kaibigan mo. Hindi mo rin kailangang sabihin kung anong ginagawa mo o kinakain mo sa isang specific na place every minute dahil iba ang Facebook sa Twitter. At higit sa lahat iwasan natin ang pagiging jejemon sa pagtype ng status, bukod sa nakakairitang basahin dahil parang baby language eh mahirap maintindihan kaya kung kaya mo rin lang magtype ng kumpleto gawin mo na for the benefit of all. :)

Lagi sanang tandaan na maraming nakakabasa ng status update natin from all walks of life, ang pinaka-concern ko ay yung mga bata na pwedeng gumaya sa mga maling ginagawa ng mga matatanda. Lalo na ngayon na grade school student pa lang may sarili ng account, kung ano yung mapapansin nila na madalas gawin o madalas laman ng status update ng friends nila sa facebook yun ang gagayahin nila. Syempre mga bata, hindi pa malinaw kung alin yung tama at mali sa kanila. Hindi naman siguro kalabisan ang magmalasakit sa kapwa natin di'ba, bilang nakatatanda akuin sana natin ang responsibilidad bilang isang huwarang modelo ng bagong henerasyon ng mga kabataan.

Kaya bago mo i-click ang post button next time basahin mo muna ng ilang ulit ang nilalama ng status mo at isipin ang mga taong makakabasa nito. Update responsibly!

Monday, May 14, 2012

~ 21 na si Moninskie ~

Ang matagal na paghihintay ay tapos na, nagsimula na ang bagong kabanata ng buhay ko. Salamat sa Diyos at naging napakaespesyal ng naganap kong birthday, hindi man niya pinahintulutan mangyari yung mga plano ko sinigurado naman niya na magiging especial ang lahat. Simula kasi umaga hanggang  gabi punong-puno nang tawanan at ultimate bonding experiences sa loob at labas nang bahay. Grabe da'best talaga! :D

Sa totoo lang kahit ilang araw na ang  lumipas hindi ko pa rin naabsorb masyado na 21 na ako. Kaya nga ngayon pa lang ako nakagawa ng post, pero alam ko maraming bagay na ang nagsimulang magbago sa akin physically, emotionally, mentally at higit sa lahat spiritually. Masasanay na lang ako sa mga pagbabago sa paglipas ng mga araw.

Takot at saya ang nararamdaman ko ngayon. Alam naman natin na lahat ng bagay nakakatakot sa umpisa di'ba? pero kapag naiisip ko na ako na ang in-charge sa buhay ko ngayon at lahat ng gagawin ko ang siyang makapagsasabi kung anong bukas ang naghihintay sa akin, excitement at saya ang mas nangingibabaw. Isang beses lang ako mabubuhay at magkakaroon ng ganitong pagkakataon ba't ko sasayangin di'ba?

Simula na ng mahabang paglalakbay ko bilang 21, expect the unexpected, because there's no such thing as impossible in God's vocabulary. 

Sunrise during my 21st birthday :) (captured by me)

Tuesday, May 8, 2012

~ N.B.S.B ~

one day him & I will meet :)
Para sa mga hindi alam kung ano ang ibig sabihin ng N.B.S.B, it means No Boyfriend Since Birth (now you know). Hindi naman big deal sa akin kung kasali man ako sa NBSB Club, kaya lang noong isang araw may nagpahiram sa akin ng book na naglalaman ng mga iba't-ibang love story. May ideya ka na siguro kung anong nangyari, syempre nakaramdam ako ng inggit, medyo nalungkot at napaisip nang malalim. Bakit nga ba hanggang ngayon wala pa akong love life?

Nang nag-aaral pa kasi ako lalo na noong highschool pag-aaral talaga ang inaatupag ko. Kung hindi nag-aaral nakatutok naman ako sa television o kung hindi naman natutulog ako. Ang buhay ko noon bahay,eskwelahan at simbahan lang wala talaga akong hilig maghang-out at maglakwatsa. Boring ang buhay ko noon pero at least hindi na ngayon. :) Wala akong naging boyfriend noon kasi walang malakas ang loob na manligaw, siguro dahil wirdo ang tingin nila sa akin (may sarili akong mundo noon) o kaya naman baka dahil hindi ako pwedeng i-display. Pagdating ko sa college may mga umaaligid at nagpaparamdam, pero ng mga pagkakataon na yun hindi ko alam kung anong batayan sa pagpili ng isang boyfriend.

Sa halip na tanggapin ang mga consequences sa basta na lang pagtanggap ng pag-ibig ng walang kasiguraduhan sa sarili ko at itaya ang puso ko sa sakit na pwede kong maramdaman, ayun hindi na lang ako tumanggap ng manliligaw (basted lahat!). Sinabi ko sa sarili ko na next time na lang, saka na kapag alam ko na kung anong gusto ko at handa na ako. Wala akong pinagsisisihan sa desisyon ko, yes, nakakainggit kapag may nakikita kang couples na very sweet sa isa't-isa pero hindi lang naman boyfriend ang pwedeng magbigay sa'yo ng pagmamahal di'ba? Kahit kanino pwede kang makatanggap no'n pero yun ay kung tatanggapin mo. Hindi nga talaga siguro ako nakulangan sa pagmamahal dahil sa dami ng natatanggap ko sa mga taong nakapaligid sa akin. Pero syempre iba pa rin kung lahat ng aspeto ng buhay mo kumpleto di'ba?

As I turned 21 tomorrow, open na 24/7 and seven days a week ang love life ko. Alam ko na malapit na yung eksena sa buhay ko na may ka-love team na ako. Sigurado ako na God wrote the best love story for me because I'm His princess and He wants what the best for me. Mas maganda kung hindi nagmamadali, hindi advisable ang mga instant kasi pwedeng may ma-miss out ka na parte ng buhay mo. I believe that things have their own time. Always remember that all of us deserve nothing but the best love story. Enjoy singlehood NBSB members!

~ growing up! ~

green cake for me! (yumyum)
Sa darating na huwebes isang taon na naman ang madadagdag sa edad ko. Napaka espesyal ng 21st birthday ko para sa akin, ito ang pinaka mahalagang okasyon sa taon na ito. Ito kasi ang magiging hudyat ng bagong kabanata ng buhay ko at walang humpay na paglaki hanggang maging isang ganap na akong puno. Kung noon tinuturing ko lang na ordinaryong araw ang birthday ko, simula ngayon at sa mga susunod na taon hindi na mangyayari yun. Hindi ko na hahayaan na hindi maging espesyal ang mga birthdays ko dahil isa itong blessing na dapat i-celebrate at pahalagahan. Na-realize ko na hiram lang ang buhay na ito, kaya bawat hininga ko ay ipinagpapasalamat ko sa Diyos.

Oo, hindi madaling tumanda at gawin ang mga bagay na ginagawa nila. Hindi madaling magtrabaho nang buong araw para may makain at panggastos ang pamilya. Hindi rin biro ang pagharap sa gabundok na problema. At higit sa lahat mahirap gampanan ang mga responsibilidad na nakaatang sa balikat mo. Pero salamat sa Diyos dahil ginawa niya ang mundo na may negative at positive side. Kailangan lang natin pumili kung aling side ang titingnan natin, ako, pinili ko mag-focus sa positive side. Alam mo kung anong resulta ng desisyon ko? well, ang tingin ko na lang ngayon sa problema ay lesson in disguise.

Sa pagdagdag ng edad ko, hindi ako nangagamba sa halip ay masaya ako. Masarap isipin na sa bawat problema ay may matutunan ako at sa bawat paghihirap may naghihintay na ginhawa. Wala ng makakapigil sa akin ngayon dahil alam ko na kung anong role at misyon ko dito sa mundo. Malinaw na rin sa akin kung anong gusto ko at mga pangarap ko. Nagsisisi nga ako kung bakit hindi ko sinimulan ng mas maaga ang pagbabago. Ngayon pa lang siguro ang tamang panahon.

May nag-advise kasi sa akin na kaibigan lately sabi niya, "don't just exist, live your life! always choose to grow because when you stop growing you're slowly dying, hindi mo alam kung gaano karaming tao ang gustong pumalit sa pwesto mo para mabuhay nang normal at magawa ang purpose nila tapos ikaw binabalewala mo lang?". Maraming salamat sa kanya at hindi na ako ang dating Monica, I stopped being a zombie, I have my life! Isang pangyayari na nagpabago ng lahat. Simula nang araw na yun nagplano na ako at inaayos ang sistema ng buhay ko. Nilagay ko si God sa sentro ng lahat at voila! my life now is incredibly beautiful.

Ilang tulog na lang makakapagwish na ako. Ilang tulog na lang at may isang bagong simula at exciting na buhay ang nakaabang. Growing up with Him will sure be so much fun!