Wednesday, August 15, 2012

~ Reaching 100 ~

Wow, a hundred pageviews! Natutuwa ako dahil sa loob ng apat na buwan may 100 pageviews na ang 'mga kwento ni Moninskie'. Hindi ko inaasahan ito kaya sobra akong nagagalak, alam ko na hindi kasama sa bilang yung mga pagbukas ko ng blog ko at talagang ibang tao ang mga bumibisita dito. Ang akala ko nga mga isang taon bago maging 100 ang makikita ko kapag binibisita ko itong blog na'to.

Sa lahat ng taga-subaybay o pawang naliligaw lang sa blog ko maraming salamat. Maraming salamat sa pagpapasaya sa akin at asahan niyo maraming kwento pa akong ibabahagi sa inyo sa mga darating na araw. May naitulong sana ako sa buhay niyo kahit sa pamamagitan lang ng mga kwento ko. God bless you all.

Tuesday, July 31, 2012

~ Until we meet again ~

Ngayong araw ihahatid sa huling hantungan ang lola ko. Wala man ang pisikal na katawan ko sa libing niya nandoon naman ang puso, isip at kaluluwa ko para saksihan yun. Alam ko na maiintindihan niya ang sitwasyon ko kung nandito siya at sasabihin niya na OK lang kahit hindi ako makapunta dahil alam naman niya kung gaano ko kagustong pumunta pero I have to choice my job needs me at walang papalit sa maiiwan kong pwesto (unless my boss is kind enough to close his store for me), kung sana malapit lang ang Pitogo, Quezon dito kaya kong sumaglit pero oras ang bibilangin para makapunta doon. Masakit sa puso na isiping ako lang ang wala sa libing niya pero mabuti na nga rin siguro yun dahil baka hindi rin kayanin ng puso ko ang matinding emosyon kung makikita ko siyang umalis sa buhay ko at sa buhay naming lahat.

Hindi lang ako nawawalan ng isang lola sa pag-alis niya dahil tinuturing ko na rin siyang ina. Simula nung tumira siya sa bahay namin pinunan niya ang mga pagkukulang ni mama and that empty space in my heart just fade away. All I have is an overflowing lovetank, dahil yun sa wagas niyang pagmamahal sa akin na hinding-hindi ko makakalimutan habang nabubuhay pa ako dito sa mundo. Marami siyang tinuro sa akin physically, emotionally and spiritually na nagpabago sa pagkatao ko kaya masasabi ko na hindi ako ganito ngayon kung wala siya. Napakapriceless ng mga ultimate bonding experiences (U.B.E) namin na ngayon ay maging isang magandang alaala na lamang.

Sobrang lungkot ang nararamdaman ko ngayon dahil alam ko na kailangan ko nang harapin ang bawat umaga na wala siya sa buhay ko. Pero nangingibabaw sa puso ko ang kasiyahan dahil alam ko nasaan man siya ngayon masayang-masaya siya, finally she's home with God, at kasama na rin siya si lolo ang one true romance niya. Magkikita pa rin naman kami pero matatagalan nga lang but at least we'll meet again di'ba? at sa pagkikita namin ulit sisiguraduhin ko na mahaba-habang kwentuhan ang mangyayari at walang katapusan na tawanan na naman yun. Kaya nga simula ngayon nag-iipon na ako ng mga adventures na ikukuwento ko sa kanya pati mga jokes at pick-up lines, for sure marami-rami akong maiipon niyan in my lifetime. Until we meet again 'La, I love you until my lifetime ends :)